Ang Buhay Call Center
nasa trabaho ako ngayon, 7:01 am ayon sa aking Avaya Phone. 4 am ang start ng shift ko, kaya maaga akong gumising, technically di ko alam kung maaga bang matatawag yun o kung anong tamang depenisyon para dun. 1 ako gumising upang maghanda at pumunta sa aking trabaho. noong una nakakatakot mag lakbay ng madaling araw, konti ang mga tao sa labas at kung meron man malamang lasing sila o di kaya tulad ko, call center agents. masaya naman, kasi feeling mo ibang dimensyon kayo kahit na nasa Pilipinas naman kayo pare pareho. Pag alis ko ng bahay medyo hilo pa ako, sino ba naman ang hindi mahihilo, eh 1 am ang gising mo di ba? hindi pa gaanong "acclimated" ang katawan ko sa sistema, pero pagdating ng opisina medyo nakakapag adjust ka na kasi sobrang maliwanag sa office, tinadtad ng ilaw ang lugar na to para mag mukhang umaga at maloko mo ang iyong pinneal gland na umaga at hindi ka antukin habang kinakausap mo ang mga Amerikano. Pero iba pa din ang sikat ng araw, napatunayan ko to kapag lumalabas ako ng opsina, nakakasilaw ang sikat ng araw, kaya madalas naka Cap ako. Tanghali na paglabas ko dito at sasakay na ako ng bus. Meron pang isang gamit ang cap ko, dahil nakakatulog ako sa bus suot ang cap ko at hindi nila ako namumukaan kaya hindi naman ako nahihiyang matulog. Oo, naranasan ko ng lumagpas dahil nakatulog ako, buti na lang hindi naman masyadong malayo yung nalagpasan sa akin.
Ang sweldo
Tulad ng nasabi ng marami, relatively mataas ang sweldo ng mga agents sa karaniwang manggagawa. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga agents na mamuhay ng "marangya". Starbucks, Cab papunta sa work, fancy restaurants, fast food all the time, magandang telepono, at kung anu ano pa. Ang mga kompanya mismo nagbibigay ng mga gadgets upang lalong maramdaman ng mga agents ang karanyaan ng kanilang trabaho. IPOD, telepono, TV at kung anu ano pa. Oo, mayaman ka sa material na bagay. Pero saan ba talaga napupunta ang pera. Kapag inisip mo malaki talaga, pero hindi pala. Una, kapag gabi o madaling araw ang shift mo walang bukas na carinderia o budget meals kaya mapipilitan kang mag fast food at kapag inaraw araw mo wala talagang matitira sayo. Pangalawa, dahil sa gabi ang trabaho madalang ang mga sasakyan na magdadala sayo sa lugar ng trabaho mo, so mag cab ka ngayon at kapag inaraw araw mo yun, ubos ang pera mo. Hindi mo rin alam ang napuntahan ng pera. In hindsight, it evens out the advantage you have from other people who works on regular hours. Sinong nagsabing malaki ang sweldo naming mga call center agents, hihiga ka pa din sa sahig at matutulog ka sa bus kahit na ganun ang kalagayan ng trabaho mo. isa pang pupuntahan nito ay gamot, malaki ang posibilidad na magkasakit ka dahil sa uri ng trabahong meron ka, lalo na sa mga kakabaihan. Madalas ang iron deficiency lalo kapag meron ka, doon din mapupunta ang sweldo mo. Pambili ng gamot. At upang maiwasan ang pagkakasakit mo, kailangan mo ng Supplements tulad ng LiverAide, dahil madalas kayong mag inuman kakailanganin niyo ang LiverAide. (joke to!) Ang point nun ay malaki ang sweldo kung regular working conditions, pero kung hindi ganun din.
Ang mga customers
maayos namang kausap ang mga Amerikano, meron talagang likas na asshole at wala na tayong magagawa dun huwag na lang nating pansinin. marami naman na mababait at tao kausap, pareho din ng lahat ng tao sa mundo. ang napansin ko lang, dahil travel ang hawak namin, madaming mga immigrants ang nagiipon ng miles upang makauwi sa sarili nilang mga bayan. malungkot at parang mapapaisip ka dahil oo nga't malawak ang mundo, lahat pwede mong gawin pero lahat ng tao nagnanais na balikan ang mga sarili nilang bayan. meron akong vietnamese na caller na nagtanong magkano para makauwi siya ng Vietnam. para silang mga Pilipino na naghahanap buhay sa ibang bansa na gumagawa ng paraan na makabalik sa pinas at muli makapiling ang kanilang mahal sa buhay.
ganyan ang realidad ng mundo. malalaman mo ito sa pakikipag usap mo sa lahat ng uri ng tao, abutin man sang lupalop ng mundo.
okay tong trabaho ko, i can read and write in between calls.
Maria Francia
Posted At 8:38:00 AM