<body>

work in progress

Sunday, May 28, 2006

Hesus

Hesus

Kung nag-iisa at nalulumbay,
Dahil hanap sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay,
Tumawag ka at siya'y naghihintay

Ref 1:
Siya ang iyong kailangan,
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mo lagi
At karamay kung sawi

Siya ay si
Hesus sa bawat sandali
Kung ang buhay mo ay walang sigla,
Laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus makaaasa,
Kaligtasa'y lubos at ligaya

Ref 2:
Siya ang dapat tanggapin,
At kilanin sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya't ang lagi mong pagkakatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay, pag-ibig na tunay

(Refrain)

Coda:Siya ay si Hesus,
Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus, sa habang panahon.

Maria Francia Posted At 9:23:00 PM

 

Saturday, May 27, 2006

Culture Shift

Tapos na ang unang linggo ng training ko. Hindi ko pa masabing trabaho siya dahil parang nag aaral pa lang naman kami ng tamang pagsasalita. Tamang pagsasalita, ayun sa mga Amerikano, paano mag tunog Amerikano at paano mag salita sa paraang Amerikano. Mahirap pala, tunay na mahirap kasi ibang ibang tunog ang gamit nila. Akala ko noon magaling na ako pagdating sa Ingles, hindi pala. Meron palang 15 paraan ng pagsasalita at totoong nararamdaman kong umiikot ang dila ko sa bawat pagkakataong pinipilit kong sabihin ang mga salita sa paraang maiinitindihan ng mga Amerikano. Sabi nila hindi naman daw nila kami pinipilit na mag tunog Amerikano, at least Global American daw. Ganun pa man mahirap siya. Hindi ko rin mapigilang mag isip na parang nililoko ko at tinatalikuran ko ang aking pagiging Pilipino dahil, para sa mga Amerikano ang ginagawa ko. Ngunit pinili ko ito. Pinili ko ito, siguro mayroon akong dapat matutunan dito at sa bawat araw meron akong bagong natutunan. Mahirap pala talaga. Tunay na dapat hangaan ang mga taong pinipili ang industriyang ito. Pinipili nilang maging "frontliner" ng mga malalaking kumpanya, pinipili nilang maging sangkalan ng lahat ng galit ng mga Amerikano. Hindi ko rin maiwasang isipin na tumutulong akong ipalaganap ang consumeristic attitudes. Bata pa naman ako, marami pa akong dapat matutunan.

Ganunpaman, masaya ako, kasi maganda siyang karanasan para sa akin. Nakikita at naiinitindihan ko ang mundong dati hindi man lang sumasagi sa isip ko.

Pinipilit kong maging magaling sa ginawa ko.

Alam niyo ba na pinaulit-ulit nila ang salitang "account" sa akin, dahil hindi ko siya masabi ng tama. Imagine how many ways there are to pronunce the word account!

I have good co-workers, don't worry that's part of the fun!

Maria Francia Posted At 6:41:00 PM

 

Wednesday, May 17, 2006

Here, There and Everywhere

Binabasa ko yung blog ni Jim Paredes nung isang araw, maganda yung topic ng blog niya. Merong nagtatanong sa kanya kung bakit daw siya, pati na rin ang mga anak niya, nagb-blog. Magandang tanong din ito para sa ating mga active bloggers. Sabi sa blog ni Katrina Macapagal, na sabi ng kaibigan niya, may issue daw ang mga taong nagb-blog. Hindi ko alam kung may mga issue ako, pero malamang meron, di pa lang siya nagpapakita. Pero alam kong hindi ito ang dahilan ng pagsusulat ko sa blog. Noong una, nahihiya ako kapag binabasa ang blog ko kasi baka pinupulaan lang ng mga tao ang grammar ko, na madalas kong gawin, kaya hindi masyadong publicized ang blog na to. Pero kinalaunan, natanggap ko na rin na "blogs are meant to be read", kaya i'm reaching out to other bloggers. Naisip ko na ang blog pala ay isang napakalakas na sandata sa mga personal na suliranin ng mga bloggers at isa ring sandata ng demokrasya. Isa ring itong paraan ng pag abot sa mga pangarap ng mga failed or frustrated writers, at least sa blog, napu-Publish ang mga gawa nila.

Para sa akin, isang mahalagang pagsasanay sa pakikipagtalastasan ang blog. Dito ko nailalabas lahat ng naiisip ko, na parang may kausap ako at parang may nakikinig. Dito rin lumalabas ang alter ego ko, mga hindi kayang sabihin ng malakas, dito kayang ibulong. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsusulat at magsisiwalat sa blog, pero kapag tinignan ang mga dati ko ng naisulat, makikitang maraming pagbabago sa buhay ko, isang photo album na rin ng buhay ang blog na ito. Isang pagpapatunay ng mga bagay na nalaman at natutunan sa nakaraang apat na taon. May issue man ako o wala, patuloy pa rin ang magsusulat sa blog na ito.
-

Tumawag ang mga taga-IBM na sa June 3 pang simula ng trabaho ko, ibig sabihin meron pa akong dalawang linggo upang gumising ng 12 ng tanghali at matulog ng 4 ng umaga. Buti na lang hindi na masyadong mainit ang dugo ng mga magulang ko sa aking kakaibang habit ng pagtulog. Ginagawa ko namang produktibo ang mga oras na gising ako. Masaya din ako na may oras pa ako para manood ng basketball, Playoffs na sa NBA at malapit na din ang Quarterfinals sa PBA, sana lang maabutan ko ang finals ng NBA, dahil napakaganda ng mga laban sa finals. Kahit sinong team pa yan, pero sympre mas nanaisin ko na San Antonio Spurs ang nasa finals kahit na for the Nth time na sila sa finals. Nag-e-enjoy din akong kasama ang mga magulang at kapatid ko. Nagkukulitan na nanaman kami ng kuya ko na matagal ko ding namiss. At laging kong kausap ang tatay ko pagdating sa basketball at politika naman sa nanay ko.

-


Nung huli akong pumunta sa EDSA Central, kung saan matatagpuan ang tanggapan ng IBM, nakabili ako ng libro for 60 pesos. Ang larawan sa baba ang librong sinasabi ko.

Photobucket - Video and Image Hosting

Natuwa ako sa aking natagpuang libro dahil isa itong "rare find". For 60 pesos, napaka mura na nito at nasa magandang kundisyon pa naman. Nahihirapan lang akong basahin siya dahil napakalalim ng Ingles at kailangan ko pang komunsulta sa isang diksyunaryo upang maintindihan ng lubusan ang mga binabanggit sa konteksto. Masaya ako at sa bawat paglipat ng pahina ay merong akong natutunang bagong salita at tunay na nakakapanabik ang daloy ng nobela. Napansin ko lang na bakit parang ang daming salitang negatibo. Iba't ibang anyo ng salita pero iisang negatibong bagay lang ang pinapatunguhan. Ganunpaman, bagong salita, bagong kaalaman.

-


Guilty as charged. Sige na aaminin ko na, paborito ko talaga si Sarah Geronimo.

Photobucket - Video and Image Hosting

Simula pa man sa Sarah, Ang Maunting Prinsesa pinapanood ko na siya, dahil pakiramdam ko, tunay siyang mabait at Thomasian siya, kaya I'm totally smitten over her. Tuloy pinapanood ko yung Bituin Walang Ningning kahit na hindi siya tugma sa aking prinsipyo ng panood ng TV. Naaawa lang ako kay Zsa Zsa, na tumatayong biological mother ni Sarah, kasi iyak siya ng iyak, nakakapagod yun!

-


Nakakatuwa, mga ilang gabi ko na ring kausap ang girlfriend ng crush ko nung highschool. Hindi ko inaakala na maging palagay ako sa pakikipag usap sa kaniya, at syempre alam niyang may gusto ako sa nobyo niya ngayon, na best friend lang niya nung highschool kami. Ayos lang sa kaniya na pag usapan namin ang mga bagay na yun at pareho kaming natatawa sa mga bagay na nakalipas at kung papaano kami umasta nung highschool kami. Hiningan pa niya ako ng kuro tungkol sa relasyon nila. Sinabi ko naman ang totoong mas gusto ko siya para sa crush ko. Totoo yun. Biruin mo yun, nagbabago ng kulay ang mga relasyon ng tao, kinalaunan.

Alas dos pa lang ng umaga, sige magbabasa muna ako.

Maria Francia Posted At 12:16:00 AM

 

Thursday, May 04, 2006

Job Hunting: A Whirlwind of Emotions

Job hunting can be one of most loneliest thing in the world. I am not exaggerating, this is what I felt the entire time I was in IBM Daksh trying out my luck as a Customer Service Specialist. It is lonely because:

1) You have to wait an eternity for your name to be called, it actually sound so much better when you hear your name being called after 2 hours of waiting, fidgeting and imagining all sorts of things.

2) After 2 hours of waiting, you might not be considered for the position because of varying reasons and it feels really bad when you see in paper that you didn't pass an exam masquerading as an intelligence test but in reality a device to separate the "educated class and English speaking" from the rest of the strata.

3) Conversations in a recruitment center sometimes revolves around the tragedy of not getting hired after applying in 10 or more companies and if not, family woes and social conditions. It's actually depressing hearing people talk about their lives specially for a 20 year old fresh graduate who has no idea of what is really the world "out there".

4) Learning that you passed the exam but the person you're speaking or you've become friends with didn't make it. One person told me, also in a recruitment center, that its better not to speak with anyone because you might be emotionally attached and you'll find it difficult to react and console the person when that person didn't make it and you did, it sounds insincere.

5) No matter what you do and no matter how good you are, your life still depends on the recruitment officer and his/her dispositions.


I hate capitalists in times like these.

Good thing I passed, I'm now part of the working class but this is not a happy ending because in the I know that millions are still jobless and are still out there waiting for their names to be called.

I wish things were different.

Maria Francia Posted At 6:56:00 PM

 



© unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates. © unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates. © unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates. © unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates.