<body>

work in progress

Wednesday, May 17, 2006

Here, There and Everywhere

Binabasa ko yung blog ni Jim Paredes nung isang araw, maganda yung topic ng blog niya. Merong nagtatanong sa kanya kung bakit daw siya, pati na rin ang mga anak niya, nagb-blog. Magandang tanong din ito para sa ating mga active bloggers. Sabi sa blog ni Katrina Macapagal, na sabi ng kaibigan niya, may issue daw ang mga taong nagb-blog. Hindi ko alam kung may mga issue ako, pero malamang meron, di pa lang siya nagpapakita. Pero alam kong hindi ito ang dahilan ng pagsusulat ko sa blog. Noong una, nahihiya ako kapag binabasa ang blog ko kasi baka pinupulaan lang ng mga tao ang grammar ko, na madalas kong gawin, kaya hindi masyadong publicized ang blog na to. Pero kinalaunan, natanggap ko na rin na "blogs are meant to be read", kaya i'm reaching out to other bloggers. Naisip ko na ang blog pala ay isang napakalakas na sandata sa mga personal na suliranin ng mga bloggers at isa ring sandata ng demokrasya. Isa ring itong paraan ng pag abot sa mga pangarap ng mga failed or frustrated writers, at least sa blog, napu-Publish ang mga gawa nila.

Para sa akin, isang mahalagang pagsasanay sa pakikipagtalastasan ang blog. Dito ko nailalabas lahat ng naiisip ko, na parang may kausap ako at parang may nakikinig. Dito rin lumalabas ang alter ego ko, mga hindi kayang sabihin ng malakas, dito kayang ibulong. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsusulat at magsisiwalat sa blog, pero kapag tinignan ang mga dati ko ng naisulat, makikitang maraming pagbabago sa buhay ko, isang photo album na rin ng buhay ang blog na ito. Isang pagpapatunay ng mga bagay na nalaman at natutunan sa nakaraang apat na taon. May issue man ako o wala, patuloy pa rin ang magsusulat sa blog na ito.
-

Tumawag ang mga taga-IBM na sa June 3 pang simula ng trabaho ko, ibig sabihin meron pa akong dalawang linggo upang gumising ng 12 ng tanghali at matulog ng 4 ng umaga. Buti na lang hindi na masyadong mainit ang dugo ng mga magulang ko sa aking kakaibang habit ng pagtulog. Ginagawa ko namang produktibo ang mga oras na gising ako. Masaya din ako na may oras pa ako para manood ng basketball, Playoffs na sa NBA at malapit na din ang Quarterfinals sa PBA, sana lang maabutan ko ang finals ng NBA, dahil napakaganda ng mga laban sa finals. Kahit sinong team pa yan, pero sympre mas nanaisin ko na San Antonio Spurs ang nasa finals kahit na for the Nth time na sila sa finals. Nag-e-enjoy din akong kasama ang mga magulang at kapatid ko. Nagkukulitan na nanaman kami ng kuya ko na matagal ko ding namiss. At laging kong kausap ang tatay ko pagdating sa basketball at politika naman sa nanay ko.

-


Nung huli akong pumunta sa EDSA Central, kung saan matatagpuan ang tanggapan ng IBM, nakabili ako ng libro for 60 pesos. Ang larawan sa baba ang librong sinasabi ko.

Photobucket - Video and Image Hosting

Natuwa ako sa aking natagpuang libro dahil isa itong "rare find". For 60 pesos, napaka mura na nito at nasa magandang kundisyon pa naman. Nahihirapan lang akong basahin siya dahil napakalalim ng Ingles at kailangan ko pang komunsulta sa isang diksyunaryo upang maintindihan ng lubusan ang mga binabanggit sa konteksto. Masaya ako at sa bawat paglipat ng pahina ay merong akong natutunang bagong salita at tunay na nakakapanabik ang daloy ng nobela. Napansin ko lang na bakit parang ang daming salitang negatibo. Iba't ibang anyo ng salita pero iisang negatibong bagay lang ang pinapatunguhan. Ganunpaman, bagong salita, bagong kaalaman.

-


Guilty as charged. Sige na aaminin ko na, paborito ko talaga si Sarah Geronimo.

Photobucket - Video and Image Hosting

Simula pa man sa Sarah, Ang Maunting Prinsesa pinapanood ko na siya, dahil pakiramdam ko, tunay siyang mabait at Thomasian siya, kaya I'm totally smitten over her. Tuloy pinapanood ko yung Bituin Walang Ningning kahit na hindi siya tugma sa aking prinsipyo ng panood ng TV. Naaawa lang ako kay Zsa Zsa, na tumatayong biological mother ni Sarah, kasi iyak siya ng iyak, nakakapagod yun!

-


Nakakatuwa, mga ilang gabi ko na ring kausap ang girlfriend ng crush ko nung highschool. Hindi ko inaakala na maging palagay ako sa pakikipag usap sa kaniya, at syempre alam niyang may gusto ako sa nobyo niya ngayon, na best friend lang niya nung highschool kami. Ayos lang sa kaniya na pag usapan namin ang mga bagay na yun at pareho kaming natatawa sa mga bagay na nakalipas at kung papaano kami umasta nung highschool kami. Hiningan pa niya ako ng kuro tungkol sa relasyon nila. Sinabi ko naman ang totoong mas gusto ko siya para sa crush ko. Totoo yun. Biruin mo yun, nagbabago ng kulay ang mga relasyon ng tao, kinalaunan.

Alas dos pa lang ng umaga, sige magbabasa muna ako.

Maria Francia Posted At 12:16:00 AM

 



© unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates.