<body>

work in progress

Saturday, May 27, 2006

Culture Shift

Tapos na ang unang linggo ng training ko. Hindi ko pa masabing trabaho siya dahil parang nag aaral pa lang naman kami ng tamang pagsasalita. Tamang pagsasalita, ayun sa mga Amerikano, paano mag tunog Amerikano at paano mag salita sa paraang Amerikano. Mahirap pala, tunay na mahirap kasi ibang ibang tunog ang gamit nila. Akala ko noon magaling na ako pagdating sa Ingles, hindi pala. Meron palang 15 paraan ng pagsasalita at totoong nararamdaman kong umiikot ang dila ko sa bawat pagkakataong pinipilit kong sabihin ang mga salita sa paraang maiinitindihan ng mga Amerikano. Sabi nila hindi naman daw nila kami pinipilit na mag tunog Amerikano, at least Global American daw. Ganun pa man mahirap siya. Hindi ko rin mapigilang mag isip na parang nililoko ko at tinatalikuran ko ang aking pagiging Pilipino dahil, para sa mga Amerikano ang ginagawa ko. Ngunit pinili ko ito. Pinili ko ito, siguro mayroon akong dapat matutunan dito at sa bawat araw meron akong bagong natutunan. Mahirap pala talaga. Tunay na dapat hangaan ang mga taong pinipili ang industriyang ito. Pinipili nilang maging "frontliner" ng mga malalaking kumpanya, pinipili nilang maging sangkalan ng lahat ng galit ng mga Amerikano. Hindi ko rin maiwasang isipin na tumutulong akong ipalaganap ang consumeristic attitudes. Bata pa naman ako, marami pa akong dapat matutunan.

Ganunpaman, masaya ako, kasi maganda siyang karanasan para sa akin. Nakikita at naiinitindihan ko ang mundong dati hindi man lang sumasagi sa isip ko.

Pinipilit kong maging magaling sa ginawa ko.

Alam niyo ba na pinaulit-ulit nila ang salitang "account" sa akin, dahil hindi ko siya masabi ng tama. Imagine how many ways there are to pronunce the word account!

I have good co-workers, don't worry that's part of the fun!

Maria Francia Posted At 6:41:00 PM

 



© unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates.