<body>

work in progress

Wednesday, July 13, 2005

larawan

sana, lahat na lang tayo tumigil sa isang larawang masarap tignan.
larawan ng saya, at pagkakaisa.
larawan ng kapatiran at tutuhanang pagkakaibigan.
napapangiti ako sa larawang iyon, ang saya kasi natin dun,
di tulad ngayon, malungkot kasi makasarili tayo.
gusto nating sarilinin ang ligaya sa larawan.
imbes na ibahagi, gusto mong sarilinin.
gusto mo ikaw na lang parati, mamahagi ka naman.
kaibigan nga di ba? bakit ikaw lang?
bakit sayo lang?

sarap tignan ng larawan, sana maalala ko pa
ang pakiramdam ng sayang dala ng larawan.
sana ang larawan ang magpaalala sating,
tayo pala'y MAGKAKAIBIGAN!

Maria Francia Posted At 10:28:00 AM

 



© unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates.