<body>

work in progress

Friday, October 15, 2004

random thoughts

i am enraged!!!!

grabe nasa limelight ang UST, pero not for good reason. naawa ako sa doctor ni Carlos Garcia naiipit siya sa mga attention-grabbing-and-tv-exposure-maniacs na congressman at sa responsabilidad niya sa kanyang pasyente. hello???puntahan daw ba si Garcia sa UST, hindi ba naman sila bangag at kalahati sino ba si Garcia in the first place para pagtuonan ng ganitong klase ng pansin? ok fine, corrupt siya but do you honestly believe he is the only one? bakit hindi sila humanap ng ibang resource person? baka mamaya mas marami pang mayaman at mataas na opisyales ang patuloy paring nagkakamal ng yaman. bakit hindi sila ang imbestigahan "in aid of legislation" minsan tuloy napapaisip ako, isang malaking joke at kalokohan ba ang mag patakbo ng bansa, at isalalay ang buhay ng mga mamamayan sa mga taong katulad nila? sana iniisp nila yun

kawawa naman ang mga Pilipino, mag punyetang taong gobyerno yan! hindi na naawa. ilang milyong pamilya ang nagugutom sa bawat araw, pero sila patuloy sa pagkamal ng yaman at patuloy ang pagnanakaw sa mga kawawang Pilipino. sana nakikita nila ang mga batang nagugtom at hindi nabibigayan ng sapat ng mga pangangailangan, sana nakikita nila yun. 15. 1% na insidente ng kagutuman, bakit nating hinahayaang mangyari ito?

the culture of corruption is deeply ingrained in our system, its ominous.


Maria Francia Posted At 10:43:00 PM

 



© unHinged 2005 - Template by Cazza's Templates.